unfoldingWord 24 - Binawtismuhan ni John si Jesus

unfoldingWord 24 - Binawtismuhan ni John si Jesus

Outline: Matthew 3; Mark 1; Luke 3; John 1:15-37

Script Number: 1224

Language: Tagalog

Audience: General

Purpose: Evangelism; Teaching

Features: Bible Stories; Paraphrase Scripture

Status: Approved

Scripts are basic guidelines for translation and recording into other languages. They should be adapted as necessary to make them understandable and relevant for each different culture and language. Some terms and concepts used may need more explanation or even be replaced or omitted completely.

Script Text

Dumating nga ang panahon na lumaki na ang anak ni Zacharias at Elizabeth na si John at nagsimula siyang maglingkod bilang propeta. Tumira siya sa ilang at ang pagkain niya ay pulot at balang. Ang damit niya ay gawa sa balahibo ng kamelyo.

Maraming tao ang nagpunta sa ilang kung saan naroon si John para makinig sa kanya. Nangaral siya sa kanila at sinabi, “Magsisi na kayo sa mga kasalanan niyo dahil malapit ng maghari ang Diyos.”

Nang marinig nila ang mensahe ni John, marami sa kanila ang nagsisi sa kanilang kasalanan at nagpabawtismo sila. Marami ring mga paring Hudyo ang nagpabawtismo kay John ngunit hindi sila nagsisi o umamin sa mga kasalanan nila.

Kaya sinabi sa kanila ni John, “Kayong mga makamandag na ahas! Magsisi na kayo at baguhin niyo ang mga ugali niyo dahil puputulin ng Diyos ang lahat ng puno na hindi nagbubunga at saka ito susunugin.“ Tinupad na ni John ang mga nasabi ng propeta na ganito, “Makikita mo sinabi ko naman na magtatalaga ako ng isang propetang mauuna sa iyo na maghahanda sa mga puso ng mga tao para makinig sa iyo.”

Tinanong ng ilan sa mga Hudyo si John kung siya ba ang Messiah. Sumagot siya, “Hindi ako ang Messiah pero may taong darating kasunod ko. Napakadakila ng taong ito at hindi man lang ako karapat-dapat na magtanggal ng tali ng sandalyas niya.”

Kinabukasan dumating si Jesus para magpabawtismo kay John. Sinabi ni John pagkakita niya kay Jesus, “Pagmasdan niyo, narito na ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mga tao dito sa mundo.”

Sinabi ni John kay Jesus, “Hindi ako ang karapat-dapat na magbawtismo sa iyo, dapat pa nga ikaw ang magbawtismo sa akin.” Sumagot si Jesus, “Dapat mo akong bawtismuhan dahil iyon ang nararapat na mangyari”. Kaya binawtismuhan siya ni John kahit hindi kailanman nagkasala si Jesus.

Nang umahon si Jesus mula sa tubig pagkatapos niyang mabawtismuhan, nagpakita ang Espiritu ng Diyos sa anyong kalapati at dumapo ito sa kanya. Kasabay nito nagsalita ang Diyos mula sa langit at sinabing, “Ikaw ang minamahal kong Anak. Lubos kitang kinalulugdan.”

Bago mabawtismuhan si Jesus sinabi ng Diyos kay John, “Bababa ang Banal na Espiritu at dadapo sa isa sa mga babawtismuhan mo. Ang taong iyon ay Anak ko.” Iisa lamang ang Diyos pero nang binawtismuhan ni John si Jesus nakita niya ito sa tatlong katauhan. Narinig niyang nagsalita ang Diyos Ama, nakita niya ang Diyos Anak na si Jesus at nakita niya ang Banal na Espiritu na dumapo sa kanya.

Related information

Words of Life - Audio gospel messages in thousands of languages containing Bible based messages about salvation and Christian living.

Free downloads - Here you can find all the main GRN message scripts in several languages, plus pictures and other related materials, available for download.

The GRN Audio Library - Evangelistic and basic Bible teaching material appropriate to the people's need and culture in a variety of styles and formats.

Choosing the audio or video format to download - What audio and video file formats are available from GRN, and which one is best to use?

Copyright and Licensing - GRN shares it's audio, video and written scripts under Creative Commons