Buhay Kristiano
План: Allegory type of presentation. Dramatized. Life is like a crowded road - all carry heavy burdens - load of sin. One hears the call to come for rest and responds amid jeers of crowd. His load disappears, and Jesus walks beside him.
Нумар сцэнарыя: 010
мова: Tagalog
Тэма: Sin and Satan (Sin, disobedience); Christ (Saviour of Sinful Men); Living as a Christian (Leaving old way, begin new way, Joy, happiness, rejoicing, Children of God); Eternal life (Salvation, Broad & Narrow Ways); Character of God (Holy Spirit)
Аўдыторыя: General
Прызначэнне: Evangelism
Features: Dialog; Messages and Fiction; Extensive Scripture
Статус: Approved
Скрыпты - гэта асноўныя рэкамендацыі для перакладу і запісу на іншыя мовы. Яны павінны быць адаптаваны па меры неабходнасці, каб зрабіць іх зразумелымі і актуальнымі для кожнай культуры і мовы. Некаторыя выкарыстаныя тэрміны і паняцці могуць мець патрэбу ў дадатковых тлумачэннях або нават быць замененымі або цалкам апушчанымі.
Тэкст сцэнара
Victor: Gusto mo bang malaman kung ano ang ibig sabihin ng buhay Kristiano?? Ang buhay ay para bang ikaw ay naglalakad sa isang malawak na daan, at puno ng maraming tao. Bawat isa ay may dalang mabigat na bagahe ng kasalanan sa kanyang likod. Lahat tayo ay nagkasala. Habang ikaw ay naglalakad sa mahabang daan, sa kabila ng ingay ng mga tao, at mahirap, at nakakapagod na paglalakad, naririnig mo pa rin ang boses na nagsasabi... Lumapit ka sa akin...lahat....kayo na nabibigatan, at bibigyan kita ng kapahingahan. Ang iba ay nanghihina na...at sabi mo sa ibang tao, hindi ba ninyo naririnig??? Humiwalay ka sa kanila, lumapit ka sa akin, at ikaw ay aking tatanggapin at ako ay magiging Ama mo, at ikaw ay magiging anak ko...
Rose: Noong marinig ko ang tawag ng Diyos, huminto ako sandali at nakinig...pero nagpatuloy pa rin ako sa palalakad na dala dala ko ang malaking bagahe ng kasalanan at mabibigat na problema sa buhay. Pero narinig ko uli ang tawag ng Diyos sa akin, at ako ay huminto at nakinig na muli. Sa umpisa, ako ay nag alinlangan, hindi ko alam ang gagawin ko, pero pagkatapos noon ay nagpasya na rin ako na iwanan ang malaking daan, at pumunta ako sa maliit na daan, at nag umpisa akong lumakad salungat sa direksyon ng mga tao. Pinagtawanan nila ako, nilibak, at kinapootan ng mga tao sa malaking daan. At ang sabi nila, "wala kang mararating sa ginawa mo"...Pero ngumiti na lang ako, hindi ko na lang pinansin ang mga sinasabi nila. Kasi, ang hindi nila alam, yung mga kasalanan, at mabibigat na problema ko sa buhay na dati ay pasan pasan ko, ay wala na ngayon. Ang mga dati kong masasamang gawi ay natapos na..at ngayon..damang dama ko ang pagmamahal ng Diyos...
Victor: Sa umpisa, ang akala mo, ikaw ay nag iisa sa maliit na daan, pero si Jesus, ang ating Panginoon, ay lumapit sa iyo, at kasama mo sa iyong paglalakbay dito sa lupa. Pinuno ni Jesus ang puso mo ng pambihirang kagalakan, kapayapaan, at kaligayahan, at ayaw mo ng bumalik pa sa dating makasalanang buhay mo. Inilagay ng Diyos ang banal na Espirito sa iyong puso, ng sa ganon ay malaman mo na ikaw ay anak ng Diyos, isang tunay na mananampalataya..
Rose: Ikaw din, kaibigan..maaari kang maging anak ng Diyos sa pamamagitan ng iyong pananampalataya kay Jesus Christ bilang iyong tagapagligtas. Pag ginawa mo yan, napakalaking pagbabago ang gagawin ni Jesus sa buhay mo!! Ang sabi nga nya: Ngayon, kung inyong marinig ang kaniyang tinig, huwag ninyong patigasin ang inyong mga puso!!!!
Rose: At ang sabi pa nya Kaya nga, kung ang sinuman ay na kay Cristo, siya ay bago nang nilalang. Ang mga dating bagay ay lumipas na, narito, ang lahat ng bagay ay naging bago.