unfoldingWord 38 - Pinagtaksilan ni Judas si Jesus
إستعراض: Matthew 26:14-56; Mark 14:10-50; Luke 22:1-53; John 18:1-11
رقم النص: 1238
لغة: Tagalog
الجماهير: General
الغرض: Evangelism; Teaching
Features: Bible Stories; Paraphrase Scripture
حالة: Approved
هذا النص هو دليل أساسى للترجمة والتسجيلات فى لغات مختلفة. و هو يجب ان يعدل ليتوائم مع اللغات و الثقافات المختلفة لكى ما تتناسب مع المنطقة التى يستعمل بها. قد تحتاج بعض المصطلحات والأفكار المستخدمة إلى شرح كامل أو قد يتم حذفها فى ثقافات مختلفة.
النص
Taun-taon kung ipagdiwang ng mga Hudyo ang “Paskua” Ito’y pagdiriwang dahil iniligtas ng Diyos ang mga ninuno nila mula sa pagkakaalipin sa Egypt daan-daang taon na ang nakalipas. May tatlong taon na ang nakakaraan nang magsimulang mangaral at magturo si Jesus sa mga tao, sinabi niya sa mga apostol na gusto niyang ipagdiwang nila na magkakasama sa Jerusalem ang “Paskua”. Sa panahong ito rin siya papatayin.
May isang apostol si Jesus na Judas ang pangalan, siya ang katiwala ng pera ng mga apostol. Lagi niyang ninanakawan ang perang ipinagkatiwala sa kanya dahil sakim siya. Alam ni Judas na hindi naniniwala ang mga pinuno ng mga Hudyo na si Jesus ay ang “Messiah” plano pa nila itong patayin. Pagdating ni Jesus kasama ng mga apostol niya sa Jerusalem lumapit na si Judas sa mga pinuno ng mga Hudyo at nakipagkasundo siyang pagtaksilan si Jesus kapalit ng pera.
Sa pangunguna ng pinakapunong pari, binayaran ng mga pinuno ng mga Hudyo si Judas ng 30 pirasong baryang pilak para pagtaksilan niya si Jesus. Nangyari nga ang bagay na ito gaya ng sinasabi sa propesiya. Kinuha niya ang pera saka umalis at naghintay na siya ng pagkakataon para tumulong na madakip si Jesus.
Kasama ni Jesus ang mga alagad niya sa Jerusalem habang ipinagdiriwang nila ang pista ng “Paskua.” Habang kumakain sila kumuha si Jesus ng tinapay at hinati-hati niya ito at sinabi, “Kunin niyo ang tinapay na ito at kainin. Ito ang katawan ko na ibibigay ko para sa inyo. Gawin niyo ito sa pag-alaala sa akin.” Sa ganoong paraan ipinahiwatig ni Jesus na iaalay niya ang sarili niya para sa kanila.
Pagkatapos ay kinuha niya ang baso at sinabi, “Inumin niyo ito. Ito ang aking dugo na dadanak para sa kapatawaran ng mga kasalanan na siya ring simula ng Bagong Kasunduan. Tuwing iinumin niyo ito gawin niyo bilang pag-alaala sa akin.”
Sinabi rin ni Jesus sa mga apostol, “Pagtataksilan ako ng isa sa inyo.” Nagulat ang mga apostol at nagtanungan kung sino sa kanila ang makagagawa ng bagay na ito. Sinabi ni Jesus, “Ang taong bibigyan ko ng tinapay ang siyang magtataksil.” Pagkatapos binigyan niya ng tinapay si Judas.
Pagkakuha ni Judas sa tinapay napasailalim na siya sa kapangyarihan ni Satan at umalis siya para makipagtulungan sa mga pinuno ng Hudyo para madakip na si Jesus nang gabing iyon.
Pagkatapos nilang kumain pumunta si Jesus at ang mga apostol niya sa Bundok ng Olibo. Sinabi ni Jesus, “Iiwanan niyo na akong lahat ngayong gabi dahil nakasulat sa salita ng Diyos, ‘Papatayin ko ang pastol at magkakawatak-watak ang mga tupa.”’
Sumagot si Peter kay Jesus, “Kahit iwanan pa kayo ng lahat, hindi ko kayo iiwan!” Pagkatapos sinabi ni Jesus kay Peter, “Gusto ni Satan na mapasailalim kayo sa kapangyarihan niya pero ipinagdasal kita para hindi mawala ang pananampalataya mo. Ganun pa man ngayong gabi, bago tumilaok ang tandang ipagkakaila mo ako ng tatlong beses.”
Sinabi ni Peter kay Jesus, “Kahit mamatay pa ako, hindi ko kayo ipagkakaila!” Ganoon rin ang sinabi ng mga ibang apostol.
Tumuloy si Jesus kasama ng mga apostol sa lugar na tinatawag na Gethsemane. Sinabihan ni Jesus ang mga apostol na manalangin sila para hindi sila matukso. Pagkatapos umalis si Jesus para makapag-isa at makapanalangin.
Tatlong beses nanalangin si Jesus, “Ama, hangga’t maaari huwag mong hayaang maranasan ko ang pagdurusang ito pero kung ito lang ang paraan para mapatawad ang mga tao sa mga kasalanan nila, gawin mo ang nararapat.” Labis na nabalisa si Jesus. Pinawisan siya at ang mga patak nito ay parang dugo kaya nagpadala ang Diyos ng mga anghel para palakasin siya.
Tuwing matatapos manalangin si Jesus bumabalik siya sa mga apostol at nakikita niyang natutulog lang ang mga ito. Sa pangatlong pagbalik niya sinabi ni Jesus sa kanila, “Gumising kayo! Nandito na ang magtataksil sa akin.”
Dumating si Judas kasama ang mga pinuno ng Hudyo, mga sundalo at maraming tao. May dala dala silang tabak at pamalo. Nilapitan ni Judas si Jesus at sinabi, “Magandang gabi po Guro.” Sabay halik kay Jesus dahil ito ang palatandaan para malaman ng mga pinuno ng mga Hudyo kung sino ang dadakipin nila. Pagkatapos sinabi ni Jesus, “Judas, halik ba ang gagamitin mo para pagtaksilan ako?”
Nang dinakip ng mga sundalo si Jesus binunot ni Peter ang tabak niya at nataga niya ang tainga ng lingkod ng punong pari. Sinabi ni Jesus, “Bitawan mo ang tabak mo! Kaya kong hingin sa aking Ama na padalhan ako ng mga anghel para ipagtanggol ako pero kailangan kong sundin ang kalooban niya.” Pagkatapos pinagaling ni Jesus ang nahiwang tainga ng lingkod at ibinalik ito sa dati. Dinakip na nila si Jesus at nagsipagtakbuhan ang mga apostol niya.