unfoldingWord 08 - Iniligtas ng Diyos si Joseph at ang kanyang Pamilya
Raamwerk: Genesis 37-50
Skripnommer: 1208
Taal: Tagalog
Gehoor: General
Doel: Evangelism; Teaching
Kenmerke: Bible Stories; Paraphrase Scripture
Status: Approved
Skrips is basiese riglyne vir vertaling en opname in ander tale. Hulle moet so nodig aangepas word dat hulle verstaanbaar en relevant is vir elke verskillende kultuur en taal. Sommige terme en konsepte wat gebruik word, het moontlik meer verduideliking nodig of selfs heeltemal vervang of weggelaat word.
Skripteks
Galit kay Joseph ang mga kapatid niya dahil siya ang paborito ng kanilang ama at dahil din sa mga panaginip niya na siya ang magiging pinuno nilang magkakapatid. Kaya pagdating ni Joseph sa kinaroronan ng mga kapatid niya, dinakip siya ng mga kapatid niya at ibinenta sa mga bumibili ng alipin.
Pagkalipas ng maraming taon at matandang matanda na si Jacob. Isang araw pinapunta niya si Joseph na paborito niyang anak para alamin ang sitwasyon ng mga kapatid niyang lalaki na nag-aalaga ng mga tupa.
Bago umuwi ang mga kapatid ni Joseph kinuha nila ang damit niya. Pinagpupunit nila ito at isinawsaw sa dugo ng kambing. Pagkauwi nila ipinakita nila ang damit sa kanilang ama. Inakala ni Jacob na napatay ng mabangis na hayop si Joseph. Malungkot na malungkot si Jacob sa nangyari.
Samantala dinala naman si Joseph ng mga nakabili sa kanya sa Egypt. Ang Egypt ay isang napakalawak at napakalakas na bansa na makikita sa may bandang Ilog Nile. Ibinenta nila si Joseph sa isang mayamang opisyal ng gobyerno. Naglingkod ng tapat si Joseph sa amo niya at pinagpala naman siya ng Diyos.
Sinubukan siyang akitin ng asawa ng amo niya pero hindi pumayag si Joseph para hindi siya magkasala sa Diyos. Nagalit ang asawa ng amo niya at pinaratangan niya si Joseph sa kasalanang hindi niya ginawa at dahil doon hinuli siya at ikinulong. Kahit nakakulong na siya nanatiling pa ring tapat sa Diyos si Joseph kaya pinagpala siya ng Diyos.
Pagkatapos ng dalawang taon nakakulong pa rin si Joseph kahit wala siyang kasalanan. Isang gabi nanaginip ng dalawang beses ang Paraon, ito ang tawag ng mga tao sa Egypt sa hari nila. Lubos siyang nabahala at wala man lang ni isa sa mga tagapayo niya ang makapagpaliwanag ng ibig sabihin ng panaginip niya.
Binigyan ng Diyos si Joseph ng kakayahang makapagpaliwanag ng mga panaginip kaya inilabas siya ng Paraon mula sa bilangguan at ipinatawag. Naipaliwanag nga ni Joseph ang ibig sabihin ng panaginip ng Paraon at sinabi niya, “Sa loob ng pitong taon bibigyan kayo ng Diyos ng masaganang ani pero pitong taon na tag-gutom ang susunod.”
Talagang napahanga ang Paraon kay Joseph kaya ginawa niya itong pangalawang pinakamataas na pinuno sa buong Egypt.
Inutusan ni Joseph ang mga tao na mag-imbak ng maraming pagkain sa loob ng pitong taon na sagana ang ani. Nang dumating na ang tag-gutom, ipinagbili ni Joseph ang mga pagkain sa mga tao para mayroon din silang sapat na pagkain.
Hindi lang sa Egypt matindi ang tag-gutom, pati na rin sa Canaan kung saan nakatira si Jacob at ang pamilya niya.
Inutusan ni Jacob ang mga pinakamatatanda sa mga anak niyang lalaki na pumunta sa Egypt para bumili ng pagkain. Hindi nila namukhaan si Joseph noong bumubili sila pero namukhaan sila ni Joseph.
Sinubok ni Joseph ang mga kapatid niya para makita kung nagbago na nga sila, nang makita ni Joseph na nagbago na sila, doon na siya nagpakilala at sinabi, “Ako si Joseph ang kapatid niyo. Huwag kayong matakot. Gumawa kayo ng masama nang ibinenta ninyo ako para maging alipin ngunit ginamit naman ito ng Diyos para sa ating ikabubuti! Dito na kayo tumira sa Egypt kasama ng mga pamilya niyo para maibigay ko ang pangangailangan niyo.”
Pag-uwi ng mga kapatid ni Joseph, ikinuwento nila kay Jacob na buhay pa pala si Joseph. Masayang- Masaya si Jacob nang malaman ito.
Kahit matanda na si Jacob pumunta pa rin siya sa Egypt kasama ng pamilya niya. Doon na silang lahat tumira. Bago siya namatay isa-isa niyang pinagpala ang mga anak niya.
Ang kasunduang ipinangako ng Diyos kay Abraham na naipasa kay Isaac ay naipasa rin kay Jacob, at ganoon din sa labing dalawang anak ni Jacob at mga pamilya nila. Ang angkan ng labing dalawang anak ni Jacob ay naging labing dalawang tribo ng Israel.